dzme1530.ph

Agri Chief, walang nakikitang pagbaba sa presyo ng bigas hanggang sa Hunyo o Hulyo

Hindi inaasahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na bababa ang presyo ng lokal na bigas hangang sa Hunyo o Hulyo bunsod ng ipinatutupad na ban ng India sa pagluluwas ng bigas.

Inamin ng kalihim na mahirap mag-estimate sa ngayon dahil buong mundo ang may problema sa rice industry.

Sinabi ni Laurel Jr. na bagaman bumaba na ng kaunti ang world market price ay umiiral pa rin ang export ban ng India sa bigas sa buong mundo.

Idinagdag pa niya na kahit ongoing ang harvest season sa bansa ay nananatiling mataas ang presyo ng palay na binibili ng rice traders.

About The Author