dzme1530.ph

Tensyon sa WPS, maaaring maka-apekto sa paglago ng ekonomiya —NEDA

Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maaaring maka-apekto ang sigalot sa West Philippine Sea sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na ang lumalalang geopolitical at trade tensions ay maaaring maging balakid sa supply chains.

Ito ay kaakibat ng global economic slowdown na maaaring magpatamlay sa external demand.

Kaugnay dito, kailangan umanong mag-adjust ng bansa sa global geopolitical tensions na ito ring ginagawa ng iba pang ekonomiya.

Mababatid na ibinaba ng gobyerno sa 6-7% mula sa 6.5-7.5% ang target na gross domestic product growth ngayong taon.

About The Author