dzme1530.ph

Dani Barretto, nagpaliwanag matapos ulanin ng batikos ng netizens

Dumagsa ang pambabatikos ng netizens sa naging pahayag ng anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi na si Dani Barretto matapos ihayag ang kaniyang opinion sa podcast nito sa Tiktok na “Toxic Filipino Culture: Utang na Loob sa Magulang”.

Batay sa video, sinabi ni Dani na hindi dapat magkaroon ng utang na loob ang mga anak sa kanilang mga magulang sa oras na kumikita na ang mga ito, dahil obligasyon umano nila na paaralin at alagaan ang mga binuhay nila sa mundong ito.

Kung saan, samu’t saring negatibong komento ang ibinato sa kaniya ng mga netizens, tulad na lamang ng “mindset ng mayayaman”, “why is that toxic? it’s being thankful”, at meron pang hindi naman daw lahat ng parents ay ginagawang investment ang anak nila.

Kung saan, iginiit ni Dani na ang punto lamang niya sa kaniyang Tiktok episode, ay ang ilang mga magulang na kumokonsensya sa kanilang anak na bigyan sila ng pera, dagdag pa ni Dani na “out of love, hindi dahil sinumbat nila sa’yo lahat kaya mo sila sinusuportahan”, dahil unfair naman daw itong maituturing.