dzme1530.ph

HEA ng healthcare workers muling ipinanawagan

Muling hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang Department of Health (DOH) at ang Department of Budget and Management (DBM) na madaliin ang pagpapalabas ng long-overdue Health Emergency Allowance (HEA) na utang sa mga healthcare workers dahil sa kanilang serbisyo noong pandemic.

Sa datos, nasa ₱19-B ang inilaan para sa HEA na dinagdagan pa ng ₱2.3-B sa ilalim ng unprogrammed funds.

Nagtataka si Go kung bakit maliit lamang ang inilaan sa ilalim ng programmed fund.

Ipinaliwanag naman ng DBM na maaaring gamitin ng DOH para sa naturang gastusin ang line item na Administration and Personal Benefits Fund na umaabot sa ₱12.775-B sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.

Inulit ni Go ang kanyang apela sa DOH at DBM na iprayoridad ang kapakanan at benepisyo ng mga healthcare workers na nagserbisyo at nagsakripisyo para sa maraming Pinoy.

Nangako naman si Health Secretary Ted Herbosa na gagawin ang lahat ng posibleng aksyon para mabayaran ang mga healthcare workers.

About The Author