Banta sa kalusugan ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang matinding init at sobrang pagsisiksikan sa iba’t ibang City Jails sa bansa.
Sa isang building sa Manila City Jail, mayroong 700 PDLs ang nagsisiksikan.
Giniba na rin ang mga selda at kubol kaya tabi-tabing matulog ang inmates sa sahig, gabi-gabi.
Sa ngayon ay wala pa namang nagkakasakit bunsod ng matinding init mula sa 3000 PDLs na inilagay sa isang pasilidad na idinisenyo para lamang sa 1000 katao.
Mas mainam naman ang kondisyon sa Quezon City Jail sa Payatas kung saan mahigit 1000 inmates ang nasa isang pasilidad na inilaan para sa 4000 preso.