dzme1530.ph

22M aso, dapat mabakunahan kontra rabies —DA

Kailangang bakunahan ang 22 milyong aso sa bansa upang masugpo ang rabies, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sa sidelines ng Food Security Communications Workshop, sinabi ni Tiu Laurel na hihirit ang Department of Agriculture ng ₱110-M sa Kongreso para sa pagbili ng anti-rabies vaccines sa 2025.

Aniya, hindi pa kasama sa hihilingin nilang pondo ang para sa syringe at roll-out ng programa.

Binigyang-diin ng kalihim na kailangang matugunan ang problema bagaman hindi pa naman aniya umaabot sa alarming levels ang sitwasyon.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang mga bayan ng Boac at Buenavista sa Marinduque bunsod ng tumataas na kaso ng rabies.

About The Author