Pinayuhan ng Task Force El Niño ang publiko na huwag dalasan ang pagfu-flush ng inidoro upang makatipid ng tubig sa harap ng El Niño at summer.
Ayon kay Task Force Spokesman at PCO Assistant Sec. Joey Villarama, magiging praktikal kung hindi muna ifu-flush ang toilet kung hindi pa naman ganoon kasangsang ang amoy nito pagkatapos nating umihi.
Mas mainam din umano na gumamit na lamang ng balde sa pagbuhos sa inidoro.
Bukod dito, hinimok din ni Villarama ang mga Pilipino na gumamit na lamang ng tabo sa halip na bidet bilang panghugas.
Pinaiiwas din muna ang publiko sa pagdidilig ng halaman gamit ang mga hose, at mas mainam din umanong gumamit na lamang muna ng balde at tabo sa pagligo.