Inirekomenda ni Sen. Francis Tolentino ang paggamit ng herbal medicine laban sa pertussis habang patuloy pang naghihintay ang Department of Health (DOH) ng karagdagang pentavalent vaccine.
Pangunahing tinukoy ni Tolentino ang lagundi na isang herbal medicine laban sa ubo at sipon at nagkalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Gayunman, pinayuhan ng senador ang mga gagamit ng raw lagundi na komunsulta sa mga doktor kaugnay sa preparasyon at prescription.
Kinatigan naman ni Health Usec. Eric Tayag ang rekomendasyon ng senador kasabay ng pahayag na available na rin ang lagundi sa syrup at capsules sa mga botika.