dzme1530.ph

Payo sa mga babae na huwag magsuot ng underwear ngayong summer, may batayang medikal, ayon sa DOH

May batayan ang rekomendasyon ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin sa mga babae na huwag nang magsuot ng underwear o kaya naman ay tiyaking cotton ang tela ng panty na kanilang isusuot ngayong summer.

Ito ang naging sagot ni Health Secretary Ted Herbosa sa pagdinig sa Senado, makaraan siyang hingan ng reaksyon ni Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go sa rekomendasyon ni Garin.

Ipinaliwanag ni Herbosa na kadalasang natatrap sa hindi cotton na panty ang moisture dala ng pawis bunsod ng init na nagreresulta sa fungal infection na candidiasis o pangangati ng pribadong bahagi ng katawan ng babae.

Kung ikukumpara aniya sa mga lalaki, mas mataas ang pH level ng mga babae kaya’t mas prone sila sa ganitong uri ng infection.

Nilinaw naman ng kalihim na nagagamot naman ng antibiotic o cream ang ganitong uri ng infection.

Sa huli, sinabi ni Herbosa na ang pinakamahalagang dapat tandaan ngayong summer season ay panatilihing hydrated o uminom palagi ng maraming tubig upang maiwasan ang iba’t ibang sakit.

About The Author