dzme1530.ph

Kumakalat na pre-operation report document na target ang isang “Bongbong Marcos”, peke ayon sa PDEA

Pinabulaanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kumakalat na mga dokumento kaugnay ng pre-operation report na target ang isang nagngangalang “Bongbong Marcos”.

Ito ay kaugnay ng kumakalat na authority to operate at pre-operation report na may petsang March 11, 2012, kung saan nakasaad na target ang isang “Bongbong Marcos” o “Bonget”, at ibang hindi pa nakikilalang kalalakihan at kababaihang mga kasamahan.

Nakasaad din ang impormasyon mula sa isang confidential informant na may grupo umano ng showbiz at politically affluent personalities ang madalas na gumagamit ng iligal na droga sa isang unit sa Rizal Tower building sa Rockwell Makati City.

Sa statement na ibinahagi ng Presidential Communications Office, tinawag na peke ng PDEA ang mga dokumento.

Binuklat din ng PDEA ang kanilang plans and operations reports management information system o pormis, at hindi umano nakita ang mga nasabing operasyon sa nabanggit na petsa.

Pinapayuhan ang publiko na mas maging maingat sa fake news lalo’t sa panahon ngayon ay maaari nang malikha at pagmukhaing makatotohanan ang mga pekeng video at dokumento sa pamamagitan ng artificial intelligence.

About The Author