dzme1530.ph

Exports ng bansa, pumalo sa record-high $103-B noong 2023

Pumalo sa record-high na $103-B ang halaga ng exports ng Pilipinas noong nakaraang taon.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), umabot sa kabuuang $103.6-B ang full-year total exports ng goods at services, na mas mataas ng 4.8% mula sa exports noong 2022.

Itinulak ito ng matatag na performance ng Information Technology at Business Process Management (ITBPM) sectors, at malaking kinita sa turismo.

Pinuri rin ni DTI Sec. Alfredo Pascual ang Department of Tourism dahil sa matagumpay na pag-develop ng travel connectivity sa gateways ng bansa, at pagpapakilos sa mga lokal na pamahalaan at stakeholders para sa local tourism destinations.

Itinuring ding powerhouse ang services exports na lumago ng 17.4%, habang nakatulong din sa pag-angat ng exports ang telecommunications, computer and information services, at transport services.

Tiniyak ng DTI ang patuloy na pagtugon sa mga balakid sa produksyon at pagpapalakas ng market access sa ilalim ng Philippine Export Development Plan 2023-2028.

About The Author