dzme1530.ph

Publiko, binalaan sa epekto ng rabies

Pinaalalahanan ni Sen. Cynthia Villar ang publiko laban sa epekto ng rabies na nakamamatay.

Sinabi ni Villar na endemic o laganap sa bansa ang rabies na sa tala ay pumatay ng 300 katao noong nakaraang taon.

Pinakamataas aniyang bilang ng kaso ng rabies sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Binigyang-diin ng senadora na maituturing na public health problem ang rabies kahit na mayroon nang bakunang available laban dito.

Kaya naman, isinusulong ni Villar ang pagkakaroon ng rabies-free community sa pamamagitan ng mga programa tulad ng libreng pagpapakapon at ligate sa mga alagang aso at pusa.

Nanawagan din ang mambabatas para sa responsible pet ownership o wastong pag-aalaga ng mga hayop upang hindi maging sagabal sa iba ang mga alagang aso at pusa.

About The Author