dzme1530.ph

Mga magulang, hinimok na suportahan ang vaccination program ng gobyerno laban sa tigdas at pertussis

Hinimok ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang mga magulang na suportahan ang vaccination drive ng gobyerno laban sa tigdas at pertussis.

Kasunod ito ng ulat na tumataas ang kaso ng tigdas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), gayundin ang kaso ng pertussis outbreaks sa ilang lugar sa National Capital Region, kabilang na ang Taguig City at Quezon City, at ilan pang bahagi ng bansa tulad ng Iloilo City.

Sinabi ni Go na ang pagbibigay proteksyon sa kalusugan ng mga bata ay magkatuwang na responsibilidad ng gobyerno at mga magulang.

Sa pamamagitan anya ng pagtiyak na nakakatanggap ang bata ng kanilang mga bakuna sa tamang oras, maaari silang ilayo sa mga malubhang sakit tulad ng tigdas at pertussis.

Hinimok ni Go ang mga magulang na magtiwala sa mga health experts at huwag hayaang maging dahilan ang pangamba laban sa mga bakuna ng sakit ng kanilang mga anak.

Dapat aniyang iprayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga bata lalo na ngayong tag-init.

About The Author