Nakaranas ng dangerous heat index ang apat na lugar sa bansa ngayong araw.
Batay sa latest forecast ng PAGASA, aabot sa 43°C ang lebel ng temperatura sa Aparri, Cagayan; 42°C sa Pili, Camarines Sur; 43°C sa Catarman, Northern Samar; at 42°C sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Dahil dito, inabisuhan ng state weather bureau ang publiko na bantayan ang mga posibleng sintomas ng heat-related illnesses, gaya ng matinding pagpapawis, exhaustion o fatigue, pagkahilo, mahina subalit mabilis na pagtibok ng pulso, pagkahilo, at pagsusuka.
Nagbabala rin ang pagasa na maaari pang tumindi ang heat index sa Pilipinas ngayong Abril.