dzme1530.ph

Expansion ng motorcycle taxis, itinigil ng LTFRB

Itinigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang expansion ng motorcycle taxis sa harap ng nalalapit na pagtatapos ng pilot study nito sa Mayo.

Sinabi ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz na gagawa sila ng rekomendasyon na isusumite nila sa Kongreso para sa operasyon ng motorcycle taxis, at ang mga mambabatas na ang bahalang magdesisyon.

Layunin ng motorcycle taxi services na matugunan ang problema sa mga kolorum na motorsiklo na nagsasakay ng mga pasahero nang walang permit mula sa LTFRB, pati na ang problema sa matinding traffic.

Sa kasalukuyan, mayroong 51,000 motorcycle taxi slots sa Metro Manila.

About The Author