dzme1530.ph

Halos 30, nasawi matapos malunod sa nakalipas na Mahal na Araw

Umabot sa 29 ang nasawi dahil sa pagkalunod habang tatlo pa ang nawawala, sa katatapos lamang na paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, kabuuang 56 na Holy Week-related incidents ang kanilang naitala, kabilang ang 34 na nalunod.

Sinabi ni Fajardo na nagsimulang makatanggap ng drowning incident reports ang PNP noong Miyerkules Santo, March 27, nang magsiuwian sa mga probinsya ang mga tao para sa long weekend.

Karamihan aniya sa mga insidente ay nangyari sa mga beach, private resorts, at mga ilog.

Ang rehiyon ng CALABARZON ang nakapagtala ng pinakamaraming insidente ng pagkalunod na nasa 10, sumunod ang Ilocos Region at Cagayan Valley na mayroong tig-6 at Bicol Region na mayroong limang nalunod.

About The Author