dzme1530.ph

Mahigit limampung bus, ide-deploy para sa LRT-1 shutdown ngayong Holy Week at paghahanda sa pagbubukas ng mga bagong istasyon

Magde-deploy ang Department of Transportation (DOTR) ng mga pampasaherong bus para mapunan ang pag-shutdown sa operasyon ng LRT-1 ngayong Holy Week at bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng limang bagong istasyon.

Nakipagtulungan ang DOTR sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng naturang maintenance at preparatory works.

Ang mga bus ay magsasakay at magbababa ng mga pasahero sa kahabaan ng Taft Ave., partikular sa Edsa-Taft, Gil Puyat, Doroteo Jose, Carriedo, at Monumento.

Ipinatupad ang hakbang upang matiyak na may masasakyan ang mga commuter bilang bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos” ng pamahalaan.

About The Author