dzme1530.ph

PBBM, inimbitahang bumisita sa India

Inimbitahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa bansang India.

Sa courtesy call sa Malacañang, inihayag ni Indian External Affairs Minister Subrahmanyam Jaishankar na si Marcos ay hinihintay na ni Indian Prime Minister Narendra Modi para sa isang state visit.

Sinabi pa ng Indian official na mas mainam kung isasabay ang pag-bisita ng Pangulo sa ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Welcome naman ito sa Pangulo ngunit sa ngayon ay wala pang opisyal na anunsyo kaugnay ng state visit.

Mababatid na ang India ay kabilang sa mga bansang nagpaabot ng suporta sa Pilipinas laban sa mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.

About The Author