Nasa halos 50% ng mga Pilipino ang naniniwalang gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan.
Ito’y kahit pa tumaas ang bilang ng walang trabaho nitong Enero, naitalang record- high na utang, at mataas na presyo ng mga bilihin.
Batay sa latest survey ng Social Weather Station (SWS), 48% ng adult Filipinos ay naniniwalang iigi ang ekonomiya ng Pilipinas, 33% ang neutral at 9% ang nagsabing lalala lamang ang sitwasyon.
Nabatid na isinagawa ang naturang survey noong December hanggang 14 sa 1,200 respondents edad 18 pataas, mula sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.