6 mula sa 8 construction workers ang nawawala at pinaniniwalaang nasawi, matapos gumuho ang tulay na Francis Scott Key Bridge sa Baltimore sa Amerika.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumabas na nawalan ng kuryente ang isang cargo ship na Singapore-flagged Dali.
Dahil sa madilim na paligid, hindi napansin ng nasabing barko ang bahagi ng tulay kaya naman bumangga ito rito.
Sinabi ng US Coast Guard at Maryland State Police officials na base sa malamig na temperatura ng tubig sa Patapsco River at haba ng oras na lumipas mula nang bumigay ang tulay, maliit na lamang ang tyansa na makitang buhay ang anim na nawawalang manggagawa.
Sa ngayon, nasa ospital pa rin ang isang construction worker na nasagip, habang tumangging magpagamot ang isa pa.
Samantala, kinumpirma rin ng mga otoridad na walang bumibyaheng mga sasakyan sa nasabing tulay matapos na ka-agad na ireport ng cargo ship ang naranasang power failure at maharang ng mga pulis ang daloy ng trapiko sa tulay bago ito gumuho.