dzme1530.ph

US lawmakers, tutulong sa Pilipinas sa pagpalag sa mga agresibong aksyon ng China

Tutulong sa Pilipinas ang US lawmakers sa pagpalag sa mga agresibong aksyon ng China.

Sa courtesy call sa Malacañang ng US Congressional Delegation, tiniyak ni Delegation Head at US Senator Kirsten Gillibrand kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patuloy silang titindig para sa bansa.

Ikinagagalak din umano nila ang pagiging kaalyado ng Pilipinas.

Kaugnay dito, sinabi ni Gillibrand na ibabalik sa China ang kanilang mga agresibong aksyon sa tamang paraan.

Ikinatutuwa naman ng Pangulo ang pag-bisita ng US legislators, sa harap ng geopolitical issues.

Bukod kay Gillibrand, kasama rin sa US Congressional Delegation sina US Senators Jeanne Shaheen, Roger Marshall, Mark Kelly, Cynthia Lummis, at Michael Bennet, at gayundin si US Congressman Adriano Espaillat.

About The Author