Binalaan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga bibiyahe ngayong Holy Week na huwag magpabiktima sa travel insurance scammers.
Sinabi ni PPA Spokesperson Eunice Samonte na dalawang biktima o mag-ina, ang nagbayad ng ₱500 sa isang indibidwal na nag-alok sa kanila ng travel insurance sa Manila North Port Passenger Terminal kahapon.
Binigyang diin ni Samonte na kasama na ang travel insurance sa ticket na binili ng mga pasahero kaya hindi na kailangang magbayad ng anumang additional fee.
Inaasahan ng PPA na lalagpas sa dalawang milyon ang pasaherong dadagsa sa mga pantalan ngayong Semana Santa.