Hinimok ng environmental group na ‘EcoWaste Coalition’ ang publiko at Catholic devotees na iwasang magkalat habang makikibahagi sa Alay Lakad sa Maundy Thursday.
Suportado rin ng EcoWaste ang panawagan ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo para sa mapayapa at malinis na Penitential walk.
Magpapakalat naman ang Antipolo Government ng street sweepers upang matiyak na malinis ang daan patungo sa Antipolo Cathedral.
Samantala, narito ang ilang tips ng ecowaste upang maobserbahan ang cleanliness sa Alay Lakad:
- Iwasan ang paggamit ng disposable water bottles at single-used plastic food containers;
- Magdala ng reusable bag para sa mga maaaring bilhing pasalubong o tapunan ng mga kalat;
- Magpa-refill ng tubig sa mga water station na nai-setup ng mga volunteers.