Inilunsad ngayong araw ng Overseas Workers Welfare Administration, sa pakikipag tulungan ng UBE Express Inc. at Lina Group of Companies para magbigay ng 50% discount sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Pinangunahan ni OWWA admin Arnel Ignacio, Chairman Alberto D. Lina ng Lina Group of Companies at UBE Express President G. Garrie A. David, ang programa sa labas ng NAIA terminal 3.
Layong ng nasabing programa upang magbigay ng 50% discount sa mga OFWs na papunta at pauwi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sakay ng UBE Express Bus.
Paliwanag ni Ignacio sa ilalim ng partnership, ang mga OFW na miyembro ng OWWA ay makakatipid ng hanggang 50% sa kanilang pamasahe sa mga UBE Express bus na papunta at pabalik ng NAIA.
May tatlong paraan kung paano makaka-avail ang isang miyembro ng OWWA ng 50% Special Rate, kung saan makakatipid ng P25 hanggang P150 ang mga OFWs.
Ang isang miyembro ay maaaring magbayad ng cash, sa pamamagitan ng beep card o sa pamamagitan ng online payment.
Magpapakalat ang UBE Express Inc. ng mga Passengers Service Agents (PSA) sa mga point-to-point at curbside route terminals para tulungan ang mga OFW sa pag-avail ng discounted fare.
Kakailanganin lamang ng mga OFW na ibigay ang kanilang buong pangalan para sa proseso ng pag-verify para makakuha ng espesyal na 50% na diskwento.