Humiling si Japanese Prime Minister Fumio Kishida ng summit kay North Korean Leader Kim Jong Un.
Ito ang inihayag ni Kim Yo Jong, kapatid ng Pyongyang Leader na nais ni Kishida na makipag-usap nang personal kay Kim nang walang kondisyon.
Partikular na tinukoy ng Tokyo Leader ang pagresolba sa lahat ng isyu, kabilang ang pagdukot sa ilang Japanese citizens ng North Korean agents noong 1970 at 1980, at pagpapapalakas sa ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Nagbabala naman si Kim Yo Jong na kung mananatili ang abduction issue nang walang karagdagang kasunduan, hindi matutupad ang layon ni Kishida na mapabuti ang relasyon ng Japan at North Korea.
Imposible rin aniya na bumuti ang bilateral relations ng dalawang bansa na puno ng kawalan ng tiwala at hindi pagkaka-unawaan kung hindi magbabago ng polisiya ang Japan.