dzme1530.ph

Road digging sa buong Metro Manila papayagan ng MMDA sa panahon ng Semana Santa

Kinumpirma ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na kanilang papayagan ngayong panahon ng Semana Santa ang road digging sa buong Metro Manila.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes simula sa araw ng Miyerkules March 27, 2024 ng alas-11 ng gabi hanggang April 1, 2024 araw ng Lunes alas-5 ng umaga na kanilang papayagan ang road digging habang wala sa NCR ang mga kababayan para sa paggunita ng Semana Santa kung saan halos karamihan ay nagsisiuwi sa kanilang mga probinsya.

Aniya mas mabuti na gawin ito ngayon Semana Santa sa halip na mag-road digging ng regular days na makakaabala sa trapiko.

Aniya magpo-post na sila sa kanilang website ngayong araw para sa application ng 100 road digging na kanilang papayagan ngayong Semana Santa.

Nakipag-coordinate na aniya sila sa iba’t ibang ahensya tulad ng DICT, DPWH, at MWSS para magawa na ang naturang proyekto.

Mababatid na ito ang inihayag ni MMDA Chairman Artes sa isinagawang pulong balitaan matapos ang isinagawang inspeksyon sa PITX kahapon.

About The Author