Pumalo sa tinatayang 1.37-M kabataan na may edad 5 hanggang 17 ang nagtrabaho noong 2021.
Ayon sa inilabas na child labor data ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sa mahigit 31-M kabataan, 4.3% dito ang nagtrabaho.
Mas mataas ito kumpara sa data na inilabas noong 2019 na may 3.4% at 2020 na may 2.8%
Nakasaad din doon na mula sa 1.37-M working children noong 2021, lamang ang bilang ng mga kabataang lalaking na umabot sa 858,000 o 62.8% kaysa sa mga babae na umabot naman sa 508,000 o 37.2%.
Kasama rin sa data na ang agriculture sector ang nakapagtala ng pinakamalaking porsyon ng working children sa loob ng 3 taon.
Samantala naitala naman sa Northern Mindanao ang highest proportion ng working children na may 12.5%, sinundan ng CARAGA region na may 11.1% at SOCCSKSARGEN na may 7.4%.