Deklarado nang half-day ang pasok sa trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno bukas March 27, Miyerkoles Santo.
Sa Memorandum Circular no. 45 na inilabas ng Malacañang, nakasaad na ito ay upang mabigyan ng buong oportunidad ang gov’t employees sa paggunita ng Semana Santa, partikular na ang mga magsisi-uwian sa kani-kanilang mga probinsya.
Kaugnay dito, suspendido na ang trabaho sa gov’t offices simula alas-12 ng tanghali bukas.
Hindi naman nito saklaw ang mga ahensyang naghahatid ng basic at health services, at gayundin ang mga nasa calamity at disaster response at iba pang importanteng serbisyo.
Ipinauubaya rin sa mga pribadong kumpanya ang pasiya sa pag-suspinde ng pasok sa kanilang mga trabahador.