dzme1530.ph

Walong kumpirmadong kaso ng Pertussis naitala sa Taguig City.

Kinumpima ng Taguig City LGU na nakapagtala sila ng walong kaso ng nakakahawang sakit na Pertussis.

Dahil dito nanawagan ang LGU sa publiko na gawin ang ibayong pagiingat laban sa naturang sakit.

Kumakalat aniya kadalasan ang Pertussis sa pamamagitan ng droplets mula sa bibig at ilong kapag ang taong nagtataglay nito ay umuubo, bumabahing, o nakikipag-usap.

Delikado aniya ang sakit na ito lalo na sa mga sanggol na maaaring magkaroon ng ubo, pagkahingal, paghina ng kain at paghirap ng paghinga.

Nilinaw naman ng LGU na ang mga pasyenteng tinamaan ng Pertussis ay kasalukuyan ng gumaling o naka-recover na sa sakit.

Nakahanda naman ang Lungsod ng Taguig na tugunan ang paglaganap ng Pertussis, kung saan may sapat aniyang kakayahan, gamot, at kagamitan ang mga health centers, at ospital upang gamutin ang mga magkakasakit ng Pertussis.

About The Author