dzme1530.ph

National Security Cluster, maglalatag ng mga rekomendasyon sa Pangulo hinggil sa lumalalang tensyon sa WPS

Maglalatag ng mga rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Security Cluster, kaugnay ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Sa isang radio interview, kinumpirma ni National Security Council Spokesman at Assistant Director General Jonathan Malaya na nagpulong sila ngayong araw sa pangunguna ni National Security Adviser Eduardo Año, kasama si Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sa ngayon umano ay isinasapinal na ang mga rekomendasyon at inaasahang ipi-prisenta ito sa Pangulo sa sectoral meeting sa Malacañang bukas.

Matatandaang tatlong sundalong Pilipino ang nasaktan sa pinaka-bagong water cannon incident o pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa Filipino vessel na maghahatid ng suplay sa barko ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.

About The Author