dzme1530.ph

Kaugnayan ng isang alkalde sa operasyon ng POGO sa Tarlac, pinasisilip sa DILG

Hinimok ni Sen. Win Gatchalian ang Department of Interior and Local Government (DILG) na busisisin ang posibleng kaugnayan ni Bamban Mayor Alice Guo sa isang POGO na ni-raid sa Tarlac dahil sa human trafficking at serious illegal detention.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan makaraang lumitaw sa ilang dokumento ang posibleng kaugnayan ni Guo sa operasyon ng naturang POGO

Kabilang dito ang Sangguniang Bayan Resolution noong Setyembre 2020 na nag-aapruba sa lisensyang magpatakbo ng Hongsheng Gaming Technology, Inc. na ang nag-apply ay mismong si Guo.

Nakita rin ang listahan ng mga sasakyan na natagpuan sa mala-palasyong mga villa na nasa compound din ng POGO kung saan ang isang Ford Expedition EL na may plate number na CAT 6574, ay nakarehistro sa ilalim ng pangalan ni Guo.

Nakalagay din sa bill ng kuryente ng POGO ang address mismo ng alkalde.

Sinabi ni Gatchhalian na dapat kumilos ang mga local executives upang maiwasan ang mga kriminalidad sa kani-kanilang nasasakupan at hindi dapat masangkot sa mga kahina-hinalang negosyo tulad ng POGO.

About The Author