Dapat papanagutin ng gobyerno ang China sa pinakahuling water cannon attack laban sa Philippine supply vessel na ikinasugat ng tatlong Navy personnel.
Ito ang binigyang-diin ni Sen. Grace Poe kasabay ng pahayag na dapat nang matigil ang mga ganitong uri ng uncivilized action.
Tinukoy ni Poe ang patindi na nang patinding aksyon ng China na nagsimula sa pagsunod sa ating mga sasakyang pandagat hanggang sa pagbangga ay ngayon ay ang water cannon assaults sa West Philippine Sea.
Ang aksyon aniya ng China ay nagpapalala pa sa mainit nang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Habang nagpapatuloy aniya ang isinasagawang ligal, lehitimo at kalmadong aksyon ng bansa sa mga ginagawa ng China kailangan din aniyang magkaroon na ng accountability sa mga pinsala nito.
Nitong Sabado ay muling nagsagawa ng water cannon attack ang China Coast Guard laban sa tropa ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.