Inunahan na ng ilang biyahero ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga susunod na araw dahil sa nalalapit na bakasyon bunsod ng Semana Santa.
Maagang bumiyahe ang ilan patungo sa kanilang mga lalawigan upang makasama ng mas matagal ang kanilang pamilya.
Ayon kay Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Spokesman Jason Salvador, as of 2 p.m. kahapon, mayroong 49,000 passengers na naitala.
Sinabi ni Salvador na ang peak ng pagdating ng bulto ng mga pasahero sa PITX ay sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo.
Una nang idineklara ng Malacañang ang March 28 o Huwebes Santo at March 29, Biyernes Santo bilang regular holidays, habang ang March 30 o Sabado de Gloria ay special non-working day.