Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Katoliko na ipalaganap ang kabutihan at pagtulong ngayong panahon ng Semana Santa.
Sa kanyang Holy Week message, hinimok ng Pangulo ang mga Katoliko na magsilbing gabay ng iba sa tamang landas, sa pamamagitan ng mabubuting gawain at pagsasantabi sa sariling kapakanan.
Pinayuhan din silang palaging hanapin ang Panginoon sa kanilang mga ninanais sa buhay.
Umaasa rin ang Pangulo na maisasapuso sa mga aksyon ang ating mga pinagninilayan, sa gitna ng paghahatid ng pag-asa sa isang mundong nahaharap sa banta ng kadiliman.
Ipina-alala rin nito na ngayong Mahal na Araw ay ginugunita ang paghihirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo kasabay ng pagninilay sa mga karanasang mas nagpapalalim sa pagkakakilanlan ng ating mga kaluluwa at ispiritwal na pamumuhay.