dzme1530.ph

Kaligtasan ng mga biyahero sa NAIA, prayoridad ng MIAA

Pinatatanggal na ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga gang chair o mga upuan sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Ito ang kinumpima ni MIAA General Manager Eric Ines kasabay ng isang press conference na ginanap sa admin building ng MIAA kung saan sisimulan ito pagkatapos ng Semana Santa.

Paliwanag ni Ines maraming reklamo na ang nakarating sa kanya na ginagawang tulugan ng mga tambay ang mga upuan na nakapwesto sa international at domestic arrival ng NAIA terminal 3 sa halip ay nagagamit ng mga pasahero.

Layon din nito ayon kay Ines na maiwasan ang mga insidente ng salisi sa gamit ng mga pasahero sa mga nagpapanggap na susundo o naghahatid ng kanilang kaanak sa Paliparan pero ang pakay pala ng mga ito ay magnakaw ng gamit ng mga pasahero.

Nais din ni Ines na magdagdag ng security sa arrival area para matiyak ang seguridad ng mga manlalakbay laban sa mga masasamang loob.

About The Author