dzme1530.ph

Imbestigasyon sa pagkakaroon ng Chinese nationals sa PCG Auxiliary Forces, gumugulong

Pinaiimbestigahan ni Surigao del Norte Cong. Robert Ace Barbers, sa Kamara ang pagkakaroon ng Chinese nationals sa puwersa ng Philippine Coast Guard Auxiliary Forces.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa modernization ng Coast Guard, inungkat ni Barbers kung may imbestigasyon bang ginagawa ang PCG sa pagkakaroon ng Chinese nationals sa kanilang auxiliary forces at posibleng nag-e-espiya.

Kinumpirma naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan, na naglunsad siya ng imbestigasyon at dumulog sa intelligence at national security agencies.

Kanila umanong natuklasan na hindi pumasa sa itinakdang standard gaya ng kawalan ng national security clearance, kaya agad sinibak ang 36 Chinese na kasapi ng auxiliary.

Sa pag-usisa ni Barbers natuklasan na 3-taon ng aktibong miyembro ng auxiliary forces ang mga delisted Chinese nationals.

Hindi naman inaalis ni Gavan ang posibilidad na maaring na-kompromiso ang seguridad ng bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea, sa pag-recruit ng Coast Guard sa mga banyagang volunteers, kaya suportado niya ang malalimang imbestigasyon para mabatid kung sino ang nagbigay basbas sa mga ito.

About The Author