dzme1530.ph

Posibleng pag-iispiya ng 36 Chinese na tinanggal sa PCG auxiliary, pinawi ng PCG

Pinawi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pangamba ng posibleng pag-iispiya ng 36 na Chinese nationals na tinanggal mula sa PCG auxiliary.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni PCG Spokesman Rear Admiral Armand Balilo na walang matibay na batayan para akusahan silang Chinese spies.

Ito ay dahil dumaan sila sa vetting process tulad ng pag-oobliga sa kanila na mag-sumite ng immigration, police, at NBI clearance.

Wala rin umano silang partisipasyon lalo na sa mga sensitibong pagkilos ng PCG, at hindi rin sila nakakapasok sa mga lugar kung saan may operasyon.

Mahigpit din umano ang PCG at hindi sila pumapayag na may ibang taong makakakuha ng impormasyon mula sa kanilang mga operasyon.

Nilinaw din ni Balilo na ang tanging naging papel ng Chinese auxiliary ay magbigay ng humanitarian assistance sa PCG.

About The Author