Inilatag na sa plenaryo ng Senado ang panukalang magdedeklara sa 11 lugar sa bansa bilang protected area sa ilalim ng National Integrated Protected Areas.
Alinsunod sa Senate Bill 2252 na inisponsoran ni Senador Cynthia Villar, idedeklara bilang protected area ang Paoay Lake sa Ilocos Norte, Aurora Memorial Protected Landscape, Mount Sawtooth sa Tarlac, Las Piñas Parañaque Wetland Park, San Francisco Protected Landscape sa Quezon, Mount Masaraga sa Albay, at Taklong and Tandog Group of Island Natural Park sa Guimaras.
Ayon kay Villar, chairman ng Senate Committee on Environment, layun nitong protektahan ang mga naturang habitat kasama na ang climate mitigation.
Marami anya ang naninirahan sa mga protected area na mga endemic species at dapat lamang ng protektahan ang eco system laban sa anumang panganib.