Isinusulong ng isang bagong tatag na non-government organization na Center for Energy Research and Policy (CERP) ang seguridad ng enerhiya sa bansa
Sa pulong balitaan sa QC, sinabi ni Atty. Noel Baga, Convenor ng grupong CERP, marapat na magkaroon ng malinaw na energy policy ang bansa para sa mas matatag at magandang buhay
Aniya, may mga ilalatag na sila sa pamahalaan na iba’t ibang rekomendasyon na tutugon sa kasalukuyang problema sa usapin ng enerhiya.
Kabilang sa mga isyu ang renewable energy, solar, at wind habang ang usapin sa Bataan nuclear power plant ay maglalabas sila ng scientifically based study para sa muling pagbubukas nito.
Sinabi pa ni Atty. Baga, bukas sila sa lahat ng anyo ng renewable at alternatibong pagkukunan ng enerhiya upang hindi na umaasa pa ang bansa sa imported coal.
Ginawa ni Atty. Baga ang pahayag na ito kasabay ng paglulunsad ng kanilang grupong CERP sa Quezon City na naglalayung palawigin at isulong ang konsepto ng resilient energy landscae ng Pilipinas.