Sa nalalapit na pagpasok ng tag-init kung saan marami ang naliligo sa beach at swimming pools, ibayong pag-iingat ang paalala ng mga otoridad, lalo na sa mga bata.
Ayon sa World Health organization (WHO), pagkalunod ang isa sa mga nangungunang cause of death sa mga batang isa hanggang apat na taong gulang, sa nakalipas na sampung taon.
Sinabi ng WHO na ang pagkalunod ay seryosong banta subalit binabalewala ng publiko.
Noong 2022, nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 3,576 drowning incidents na ang highest cases ay nangyari sa mga buwan ng Marso at Abril.