dzme1530.ph

NATO Chief, nagbabala na posibleng tuluyang mapasakamay ng Russia ang Bakhmut City sa Ukraine

Nagbabala si North Atlantic Treaty Organization (NATO) Sec. Gen. Jens Stoltenberg na posibleng tuluyang mapasakamay ng Russia ang Bakhmut City sa Ukraine, kasunod nang ilang buwan na matinding bakbakan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ginawa ng NATO Chief ang babala matapos pangunahan ng Russia Wagner Mercenary Group ang pag-atake sa naturang lungsod.

Ayon kay Wagner Chief at Kremlin Ally Yevgeny Prigozhin, nasakop na nila ang lahat ng lugar sa silangang bahagi ng Bakhmut, at ang salt-mining town.

Nabatid na ang matinding giyera sa nasabing lungsod ang pinakamahaba at matinding pananakop ng Russia sa loob ng mahigit isang taon.

About The Author