Kanselado na ang lahat ng appointments ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos itong tamaan ng trangkaso.
Ayon sa Presidential Communications Office, kanselado na ang appointments ng Pangulo simula kahapon araw ng Miyerkules, at sa mga susunod pang araw.
Kahapon ay hindi dumalo ang Pangulo sa paglulunsad ng Electronic Local Government Unit (E-LGU) caravan sa Quezon City kung saan siya sana ang panauhing pandangal.
Ire-reschedule na rin ang dadaluhan nitong luncheon para sa 50th anniversary ng Foreign Correspondents Association of the Philippines o FOCAP ngayong araw, habang hindi na rin ito makadadalo sa 127th Founding Anniversary Celebration ng Philippine Army sa Capas Tarlac bukas.