dzme1530.ph

Pagbubukod ng pulitika sa ekonomiya, susi sa harap ng geopolitical issues ayon kay PBBM

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagbubukod sa pulitika at ekonomiya ang susi sa harap ng geopolitical issues sa rehiyon.

Ayon sa Pangulo, minsan ay nagagamit sa pamumulitika ang kapangyarihan sa ekonomiya.

Kaugnay dito, kailangan umanong magkaroon ng guiding principle sa pagbubukod ng dalawang aspeto, upang maipagpatuloy ang paglago ng ekonomiya at mapanatili ang political stability.

Kaakibat nito ang patuloy na pakikipag-usap sa iba’t ibang bansa anuman ang kanilang alyansa o pananaw sa pulitika.

Mababatid na ang Pilipinas ay nahaharap sa sigalot sa teritoryo laban sa China na may malawak na ugnayang pang-ekonomiya sa bansa.

About The Author