Inilarawan nina Sen. Grace Poe at Sen. JV Poe na nakakadurog ng puso ang ginawa ng isang lalaki na pag-atake at pagpatay sa isang aso sa Camarines Sur.
Kasunod ito ng pag-viral sa social media ng CCTV footage ni Anthony Solares na hinabol at pinagpapalo hanggang mamatay ang isang golden retriver na si Killua.
Sinabi nina Poe at Ejercito na labis na nakagagalit ang balitang ito.
Iginiit ni Poe na mahalagang maipaalala sa publiko na may batas na nagpaparusa sa sinumang masasangkot sa animal cruelty.
Para maipabatid sa mga tao ang pagbibigay proteksyon at pangangalaga sa mga alagang hayop, inihain ni Poe ang Senate Bill 2458 o ang Revised Animal Welfare Act kung saan mandatory nang isasama sa curriculum ng primary at secondary education ang Animal Welfare Education.
Bubuo rin ng Barangay Animal Welfare Task Force na siyang agad na tutugon sa mga animal welfare issues sa nasasakupan.
Hinimok naman ni Ejercito ang publiko na palagiang magpakita ng malasakit sa mga alagang hayop at bigyan sila nararapat na pag-aalaga.
Kahapon, ay binuksan ang Senado sa mga pets at kinumpirma ang plano nilang gawing “pet-friendly” ang lilipatang new Senate Building sa BGC sa Taguig.