Binigyang-diin ni Department of Transportation (DOTR) Sec. Jaime Bautista na isa sa mga plano ng gobyerno ang isapribado ang operasyon at maintenance ng mga tren.
Ayon sa kalihim, sa ngayon ay apat na railway system ang nag-ooperate, kabilang ang Light Rail Transit line 1 at 2, Metro Rail Transit line 3, at Philippine National Railways.
“Yung LRT 1 po ay privatized na… ang nag-ooperate diyan ay isang private corporation called Light Rail Manila Corporation… yung MRT 3 binabalak na rin namin ipa-bid din yung maintenance and operations… ginagawa na namin yung terms of reference… in fact, meron na kaming natanggap na unsolicited proposal for the operations of MRT 3… although pinag-aaralan namin whether ituloy ba yang unsolicited o gawin nating solicited tulad noong ginawa natin sa airport…”
Sa ngayon, ginagawa na rin aniya ng DOTR ang terms of reference para sa operasyon ng dalawang malaking railway system sa bansa.
“Yung NSCR… North-South Commuter Railway… ipa-privatize din natin yung operations niya… same with yung Metro Manila Subway… although nakikita natin na ang operations nito ay 2028 pa… 2029… pero as early as now, nagpe-prepare na tayo para doon sa operations by the private sector…”
Yan ang tinig ni DOTR Sec. Jaime Bautista, sa panayam ng DZME Kinse Trenta, ang Radyo Uno.