dzme1530.ph

Itatayong paliparan sa Bulacan, hindi maka-aapekto sa demand ng mga pasahero sa NAIA – DOTR

Naniniwala ang Department of Transportation (DOTR) na hindi maka-aapekto ang itatayong paliparan sa Bulacan sa susunod na taon sa demand ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa panayam ng DZME Kinse Trenta, ang Radyo Uno, sinabi ni DOTR Sec. Jaime Bautista na ito ay dahil napakalapit ng NAIA sa Maynila.

“It will always be the preferred airports of passengers and airlines… katulad nung [sa] Japan… yung Haneda airport malapit sa Tokyo… yung Narita, medyo malayo… pero kung maraming nagbi-biyahe, maraming nago-operate na airlines… dahil maraming demand… dito sa atin, sa tingin ko, magkakaroon pa ng additional demand… kasi ngayon 50 million na yung gumagamit ng ating NAIA… ang projection ng ating mga advisers… aabot ito ng mga 80 million in 15 years… so, kailangan talaga natin ng additional airport…”

Muli ring iginiit ng kalihim ang pagkakaron ng mas mataas na kapasidad o mas maraming paliparan.

“Sa London nga limang airport yung within the London area… lima yung airport na nandoon… dito sa atin ngayon… [may] Manila… mayroong Clark na medyo malayo ng konti… then itong Bulacan kung magagawa ito… medyo malapit [ito]… it’s only 22 kilometers to Luneta… and magkakaroon yan ng coastal highway… magkakaroon ng rail system… magiging efficient din ang operations ng airport na ‘to kapag naitayo…”

Yan ang tinig ni DOTR Sec. Jaime Bautista.

About The Author