Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na paghihiganti ang dahilan ng pananambang ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah – Hassan Group, kasunod ng maigting na operasyon ng militar.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, nawawalan na rin kasi ng suporta ang bandidong grupo na nahaharap sa “leadership vacuum” at papaubos nang mga miyembro.
Aniya, target ng AFP na maubos ang pwersa ng naturang terror group hanggang sa katapusan ng taon.
Samantala, nagpapatuloy ang manhunt operation sa mga teroristang nang ambush sa apat na sundalo, sa Maguindanao del Sur, noong linggo.
Sa pagtaya ni Padilla, nasa 20 bandido ang kasalukuyang tinutugis ng militar.