dzme1530.ph

Unused lands na inilipat mula sa Sablayan at Iwahig penal farms, maaring ibalik sa BuCor —DOJ

Maaring ibalik sa Bureau of Corrections (BuCor) ang unused lands mula sa prison camps sa Occidental Mindoro at Puerto Princesa, Palawan na dating inilipat sa Department of Agrarian Reform (DAR) at iba pang local government units.

Sa limang pahinang legal opinion ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, nakasaad na maaring bawiin ng BuCor ang transfer sa ilang bahagi ng lupain mula sa Sablayan Prison and Penal Farm at Iwahig Prison and Penal Farm, makaraang hindi naisakatuparan ng DAR at LGU ang layunin ng paglilipat ng mga lupain.

Naglabas ng opinyon ang DOJ matapos itanong ng BuCor sa ahensya kung maaring maibalik sa kanila ang ilang bahagi ng lupain na inilipat sa DAR noong Sept. 6, 1990, dahil hindi naman ito naipamahagi sa farmer-beneficiaries, gaya ng itinatakdang mandato sa Executive Order 407.

Nabatid na mula sa inilipat na 7,323.2 hectares at additional 5,000 hectares sa sablayan prison farm, 3,600 hectares lamang ang naipamahagi sa mga magsasaka habang mayroon pang natitira sa 1,072 hectares sa Iwahig Penal Colony na nananatiling undeveloped.

About The Author