dzme1530.ph

Charter Change, tinatayang maaaprubahan na sa Miyerkules

Tinitingnang opsyon ng Kamara ang i-akyat na agad sa COMELEC ang Resolution of Both Houses no. 7 sa oras na maaprubahan na ito sa mababang kapulungan.

Iyan ang inamin ni House Majority Floor Leader Manuel “Mannix” Dalipe, Jr. na tinayang sa Miyerkules, March 20 maaaprubahan na sa Kamara ang Economic Charter Change o RHB no. 7.

Mahalaga ayon kay Dalipe na makuha nila ang 3/4th votes ng 309 house members o 232 affirmative o yes votes.

Paliwanag nito, sa COMELEC din naman ang bagsak ng Economic ChaCha initiative dahil sila ang magsasabi kung angkop ba na magkasa ng plebesito.

Umaasa din ang kongresista na gaya sa Kamara, makukuha rin sa Senado ang 3/4th o 18 votes sa Economic ChaCha, at kapag nangyari ito maaari na rin nilang dalahin sa COMELEC ang RBH no.6.

About The Author