dzme1530.ph

Seguridad para sa Semana Santa, inaasahang mailalatag ng PNP bago matapos ang linggo

Pinaplantsa na ng Philippine National Police (PNP) ang ipatutupad na seguridad kaugnay ng paggunita sa Kuwaresma.

Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, na nasa final stage na ang security preparations para sa “Oplan Semana Santa.”

Aniya, inasahan na bago matapos ang linggong ito ay mailalatag na ang seguridad, partikular sa mga matataong lugar, terminals, seaports at airports.

Una nang inihayag ng PNP na magpapakalat sila ng 34,000 police personnel sa buong bansa para magbantay sa seguridad, at posibleng dagdagan pa ang naturang bilang kung kinakailangan.

About The Author